Nilalaman sa Iba pang mga Wika

Paunawa

Ang Tagalog na bersyon ng website ng Punong Kalihim para sa Administrasyon (CSO) ay naglalaman lamang ng mga piling mahalagang impormasyon. Maa-akses mo ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na wikang Tsino o Pinasimpleng wikang Tsino.

Pambungad na Mensahe

Ginoong Chan Kwok-ki, Punong Kalihim para sa Administrasyon

Maligayang pagdating sa homepage ng Punong Kalihim para sa Administrasyon.

Sa pamamagitan ng dobleng pag-iingat ng Pamahalaang Sentral ng Bayan, na pinangalanang ang Batas ng Republikang Bayan ng Tsina sa pag-iingat ng Pambansang Seguridad sa Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at ang pinagbuting sistema ng elektoral ng HKSAR, ang HKSAR ay naibalik na sa tamang landas na “Isang Bansa, Dalawang Sistema”. Nauunawaan ko na mas mataas ang inaasahan ng mga mamamayan ng Hong Kong sa Gobyerno ng HKSAR. Bilang Punong Kalihim para sa Administrasyon ng ikaanim na termino ng Gobyerno ng HKSAR, lubos kong ikinararangal ang malaking responsibilidad na iniatas sa akin. Ipinapangako ko na ibibigay ko ang aking buong suporta sa Punong Ehekutibo upang tiyakin ang maayos na implementasyon ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema”.

Titipunin ko ang mga stakeholder at makikipag-ugnayan ako sa Kawanihan sa pagbuo at ganap na implementasyon ng mga polisiya na makakatulong sa lipunan ng Hong Kong at sa kabuhayan ng ating mga mamamayan, pati na rin ang pagtatrabaho sa mga kagawaran sa pagtuklas at pagsasagawa ng mga patakaran at pagpapahusay upang maresolba ang mga paghihirap na kinakaharap ng ating mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa tamang panahon. Palalakasin ko ang ehekutibo-lehislatibong relasyon at isusulong ko ang magandang pakikipag-ugnayan upang magkaroon ng angkop na batas at mga inisyatibo sa polisiya at makamit ang mabuting pamamahala.

Ang kinabukasan ng Hong Kong ay malapit na nauugnay sa Mainland. Ako, kasama ng mga kaugnay na kawanihan, ay magpapanatili ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Mainland. Sasamantalahin natin ang magagandang oportunidad na dulot ng Pambansang ika-14 na Limang Taong Plano at ang pagpapahusay ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area upang magkaroon ng mas magandang integrasyon sa pambansang pag-unlad, at mapakinabangan ang mga bentahe ng Hong Kong upang mapagsilbihan ang mga pangangailangan ng bansa.

Ang Hong Kong ay nakagawa ng mahalagang simula sa landas ng pamamahala tungo sa kaunlaran. Dapat nating samantalahin ang pagkakataong ito upang hindi lamang maipatupad ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema” kundi upang gawing mas mabuting lugar ang Hong Kong para sa pamumuhay ng ating mga mamamayan. Maaari kang makipag-ugnayan sa akin sa pamamagitan ng email o iba pang paraan at ipaalam sa akin ang iyong mga pananaw tungkol sa aking trabaho.

Chan Kwok-ki
Punong Kalihim para sa Administrasyon
Ang Pamahalaan ng Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong


Tungkulin


Punong Kalihim para sa Administrasyon

Sa implementasyon ng sistema sa pananagutan para sa mga punong opisyal noong ika-1 ng Hulyo 2002, ang Punong Kalihim para sa Administrasyon, kasama ang Kalihim ng Pinansiyal, ang Kalihim para sa Hustisya at Direktor ng Kawanihan, ay ang isa sa mga pinakamahalagang opisyal sa Pamahalaan. Ang Punong Kalihim para sa Administrasyon ay miyembro ng Ehekutibong Konseho at ang pinakanakatatanda sa tatlong mga opisyal na awtorisadong pansamantalang gampanan ang mga tungkulin ng Punong Tagapagpaganap kung hindi nito magampanan ang kaniyang mga tungkullin sa loob ng maikling panahon.

Tinutulungan ng Punong Kalihim para sa Administrasyon ang Punong Ehekutibo sa pagsubaybay sa mga tanggapan ayon sa mga tagubilin niya at gumaganap ng isang pangunahing papel sa pagtiyak ng koordinasyon sa pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiya. Ito ay partikular na mahalaga sa mga lugar na nasasakupan ng opisina. Sinasaklaw rin ng Punong Kalihim para sa Administrasyon ang mga partikular ng prayoridad na bahagi ng agenda sa polisiya ng Punong Ehekutibo, at responsable rin ito sa pagbuo ng mas malapit at mas epektibong relasyon sa Konseho ng Lehislatibo at pagbuo ng lehislatibong programa ng Gobyerno. Dagdag pa rito, ang Punong Kalihim para sa Administrasyon ay nagsasagawa rin ng mga istatutoryong mga tungkulin na iniatas sa kaniya ng batas, tulad ng mga may kaugnayan sa paghawak sa mga apela at ilang pampublikong kinatawan. Ang Sangay ng Administrasyon ng Punong Kalihim ng Opisina ng Administrasyon ay nagbibigay ng suporta sa ilan sa mga tungkulin na nasa itaas.


Pangalawang Punong Kalihim para sa Administrasyon

Ang Pangalawang Punong Kalihim para sa Administrasyon ay tumutulong sa Punong Kalihim para sa Administrasyon sa pagsubaybay sa siyam na tanggapan sa ilalim ng kaniyang pananagutan gayundin sa pag-uugnay sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga patakaran na sumasakop sa iba’t ibang kawanihan/kagawaran. Siya rin ang nagpaplano, nakikipag-ugnayan o namamahala sa mga partikular na proyekto ayon sa tagubilin ng Punong Ehekutibo at/o Punong Kalihim para sa Administrasyon.

Ang Pangalawang Punong Kalihim para sa Administrasyon ay miyembro ng Konseho ng Ehekutibo. Siya rin ang nakikipag-ugnayan at sumusuri sa mga pananaw ng Legislative Council (LegCo) at ibang stakeholders, at nagpapaliwanag ng mga patakaran sa LegCo, ibang stakeholders, mga miyembro ng publiko at media.

Ang Pangalawang Punong Kalihim para sa Administrasyon ay nagsasagawa ng mga kaugnay na tungkulin na itinalaga ng Punong Ehekutibo at/o ng Punong Kalihim para Administrasyon, o itinalaga sa kaniya sa pamamagitan ng batas.

Kapag ang Punong Kalihim para sa Administrasyon ay naka-duty o nasa bakasyon, ang Pangalawang Punong Kalihim para sa Administrasyon ay humahalili sa kaniya habang siya ay wala.


Tsart ng Organisasyon

Tsart ng Organisasyon

Talambuhay

Ginoong Chan Kwok-ki, Punong Kalihim para sa Administrasyon

Ginoong Chan Kwok-ki, GBS, IDSM, JP
Punong Kalihim para sa Administrasyon

Sumali si Ginoong Chan sa Kagawaran ng Imigrasyon noong 1982 bilang Pangalawang Opisyal ng Imigrasyon. Siya ay na-promote bilang Pangalawang Direktor ng Imigrasyon noong 2007 at Deputy Direktor ng Imigrasyon noong 2010. Siya ay hinirang bilang Direktor ng Imigrasyon mula 2011 hanggang 2016.

Si Ginoong Chan ay Direktor ng Opisina ng Punong Ehekutibo mula Hulyo 2017 hanggang Hunyo 2022.


Ginoong Cheuk Wing-hing, Pangalawang Punong Kalihim para sa Administrasyon

Ginoong Cheuk Wing-hing, GBS, JP
Pangalawang Punong Kalihim para sa Administrasyon

Sumali si Ginoong Cheuk sa serbisyong sibil bilang Inspektor ng Pulisya noong 1981, at naging Opisyal ng Administrasyon noong 1984. Umangat ang kaniyang ranggo sa Opisyal ng Administrasyon Staff Grade A1 noong 2017 at nag-retiro bilang Permanenteng Kalihim para sa Inobasyon at Teknolohiya noong 2019.

Naglingkod si Ginoong Cheuk sa Gobyerno at mga mamamayan ng Hong Kong sa loob ng mahigit 40 na taon. Siya ay partikular na nakagawa ng malaking kontribusyon sa administrasyon ng pagkain at kalinisan ng kapaligiran, mga gawain sa paggawa, at paggawa ng inobasyon at teknolohiya.

Pagkatapos ng kaniyang pagreretiro, si Ginoong Cheuk ay hinirang bilang Tagapangulo ng Lupon ng mga Opisyal ng Administrasyon sa Pangangalap noong 2019, Direktor ng Opisina ng Dayalogo, Direktor ng Programa ng Baksinasyon ng COVID-19 at Tagapayo ng Pribadong Opisina ng Kalihim sa Pananalapi.